MANILA, Philippines - Ilalabas ngayon ng Commission on Elections ang kanilang desisyon hinggil sa usapin ng parallel manual counting.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hinanda na nila ang isang drafted resolution subalit ito ay kailangan pa ring pirmahan ng mga commissioners.
Subalit ayon naman kina Commissioners Gregorio Larrazabal at Rene Sarmiento, hindi sila pabor sa parallel manual counting bago isagawa ang transmission ng mga resulta dahil posibleng ito ang maging dahilan ng pagkaantala ng proklamasyon ng mga nanalong kandidato.
Ipinaliwanag naman ni Jimenez na may kani-kanyang dahilan ang mga Comelec officials hinggil sa parallel manual counting kung kaya’t hindi naman umano ito dapat na kuwestiyunin.