^

Bansa

DOH nagpaalala muli vs heat stroke

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dahil sa mas patindi nang patinding init, pina­alalahan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa heat stroke kasunod ng pag­panaw ni dating Batangas Governor Armand Sanchez.

Ayon kay Health Secretary Esperanza Cabral na bagama’t cerebral hemorrhage ang sina­sabing naging sanhi ng pagkamatay ni Sanchez, tila napalala naman ito ng sobrang init at pagod.

Inihayag pa ni Cabral na sa mga may alta presyon o sakit sa puso, dapat na mas lalong mag-ingat kapag sobrang init ang panahon.

Ipinapayo ng kalihim na huwag masyadong magpagod, huwag magtrabaho sa gitna ng init ng araw at palagi ring magbaon ng tubig para maiwasan ang dehydration.

Kabilang aniya sa mga sintomas ng heat stroke ang pagkahilo, panghihina at pagsusuka pero ang pinaka­malaking senyales nito, ang mataas na temperatura ng katawan na umaabot sa 42 degrees Celsius.

AYON

BATANGAS GOVERNOR ARMAND SANCHEZ

CABRAL

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ESPERANZA CABRAL

INIHAYAG

IPINAPAYO

KABILANG

SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with