^

Bansa

Tunay na oposisyon 'di pahirap sa masa

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Ang tunay na Opo­sisyon ay hindi nagpa­pahirap sa masa at sa buong mamamayan kundi gumagawa ng hakbang para mapagaan ang buhay ng mahihirap at hindi ito lalong pinapa­hirap.

Ito ang paniwala ng Peasant, isang grupo ng mga magsasaka, mangi­ngisda at manggaga­ wang bukid bilang paha­ging kay Liberal Party vice presidential candidate Mar Roxas.

Taliwas rin umano ang mga pahayag ni Roxas na makamahirap siya dahil bumoto siya pabor para sa expanded value added tax.

Ang EVAT ang da­hilan kung bakit nagta­asan ang presyo ng pag­kain gamot, walang halos makain ang mara­ming mamamayan at walang trabaho.

Dahil sa EVAT, tu­maas ang basic prices na kahit ang mga pinaka­murang ulam at bigas ay nadagdagan ng presyo at halos hindi na maabot ng naghihikahos na ma­ma­mayan.

Ayon sa kanilang pangulo na si Evangeline Mendoza, mahirap pani­walaan na tunay na ma­kamahirap si Roxas dahil ang mismong pamilya Araneta ng senador ang umano’y nagpalayas sa mga magsasaka sa lupang kanilang sinasaka mula pa 1945.

“Ni minsan ay hindi man lang kumilos si Mar Roxas para ipagtanggol kaming mga magsasaka at mga mahihirap paano niya masasabing maka mahirap siya.

Ang mga batas na sinasabing gi­nawa niya tulad ng cheaper medicines act ay hindi pala siya ang talagang orihi­nal na may akda at kino­pya lang at ngayong ina­angkin niyang kanya,” pahayag nito.

Ang grupong Peasant ay matagal nang ipinag­lalaban ang karapatan ng mga magsasaka na pwer­­sahang pinalayas sa kani­lang lupain sa Sitio Ma­raat, San Mateo, Rizal.

ARANETA

AYON

EVANGELINE MENDOZA

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

ROXAS

SAN MATEO

SHY

SITIO MA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with