^

Bansa

Kita ng Muntinlupa tumaas kay Mayor San Pedro

-

MANILA, Philippines - Ang mga nagawa ni Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro sa loob lamang ng 3 taon ay higit pa kum­para sa nagawa ni dating mayor Jaime Fresnedi sa loob ng siyam na taon. Ito ay batay sa datos kung saan lumabas na nahigitan ni San Pedro ang dating mayor sa pagbibigay ng tra­baho, imprastraktura, paglaki ng kita ng lungsod at pag-unlad ng buong Muntinlupa simula nang siya ay umupo noong 2007.

Mula Hulyo 2007 hanggang 2009, naipasok ni Mayor San Pedro ang 43,502 na mga taga-Muntinlupa sa mga trabaho sa iba’t ibang kumpanya.

Patuloy din ang pag­taas ng kita ng lungsod sa ilalim ni San Pedro. Mula P1.7 bilyon na kita noong 2007, ito ay tumaas sa P2.01 bilyon noong 2008 at P2.31 bilyon noong 2009. Sa kauna-unahang pagkakataon, pumalo sa P2 bilyon ang kita ng lungsod sa ilalim ni San Pedro.

Pinuri ng mga taga-Muntinlupa ang mahusay na pamamahala ni San Pedro at sinabing susu­portahan pa nila ito para sa isa pang termino dahil sa napatunayan niyang kaya niyang paunlarin ang lungsod sa loob lamang ng 3 taon.

JAIME FRESNEDI

MAYOR SAN PEDRO

MULA

MULA HULYO

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

PATULOY

PEDRO

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with