Local absentee voting, plantsado na - Comelec
MANILA, Philippines - Handang-handa na ang Commission on Elections (Comelec) sa gagawing local absentee voting na isasagawa nga yon hanggang sa katapusan ng buwan.
Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, una sana nilang planong gawin ng mas maaga ang botohan ngunit dahil na rin sa kakapusan ng panahon kung kaya’t sa huling bahagi na lamang ng Abril isasakatuparan ang nasabing pagboto.
Inaasahang makikibahagi dito ang halos 20,000 na mga miyembro ng pulisya, mga sundalo at guro.
Sinasabing higit kalahati ang ibinaba ngayon ng mga absentee voters mula sa 50,000 noong 2007, patungong 19,700 na lamang ngayong darating na halalan.
Inaasahan namang magdedeklara ng red alert ang PNP at AFP upang bigyang daan ang absentee voting.
Karamihan kasi sa botohan ay gagawin sa mga kampo ng militar.
Kung maaalala, nagpapatuloy naman ngayon ang overseas absentee voting na nagsimula noong Abril 10 at magtatapos sa Mayo 10.
- Latest
- Trending