Walang umento sa May 1 - DOLE

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang ipahahayag na umento sa sahod ng mga manggagawa sa darating na Labor Day sa Mayo 1.

Ayon kay Labor Secretary Marianito Roque, posibleng matapos ang wage deliberation at public­ consultation sa susunod na dalawa hanggang tat­long linggo pa.

Nabatid na pitong wage increase petition ang nakasalang sa regional tripartite wage board mula sa pitong rehi­yon sa bansa kabilang na ang Regions 6, 7 at NCR na posibleng maunang mapagbigyan.

Sa kabila nito, sinabi ni Roque na sa pagdi­riwang ng Labor Day sa darating na Sabado, P200 million income augmentation program ang ipamamahagi sa may 2,000 organized labor groups.

Giit pa ni Roque, ga­gamitin ang pondo bilang puhunan sa bagong ne­gosyo para magkaroon ng dagdag na kita ang mga manggagawa.

Maliban dito, magka­karoon din umano ng jobs fair kung saan 80,000 trabaho ang naghihintay sa mga naghahanap na ma­pa­pasukan.

Kahapon ay nakipag­pulong si Pangulong Gloria Arroyo sa iba’t ibang labor leaders kung saan siya pinasalamatan sa mga repormang ipina­tu­pad ng administrasyon sa labor sector.

Show comments