MANILA, Philippines - Susungkit ng 2.5 milyong boto si Administration presidential bet Gibo Teodoro sa Metro Manila para matiyak ang pagkapanalo bilang Pangulo sa halalan sa Mayo 10.
Lumakas ang tsansa ni Gibo na manguna sa karerang pampanguluhan matapos na magtagumpay itong makakuha ng mahigit 250,000 volunteers mula sa ibat ibang lugar ng Kalakhang Maynila.
Sa isang pulong-balitaan sa Quezon City, sinabi ni Dr. Suzette Salazar, lead convenor ng Palit–Galing Movement, na meron silang 250,000 volunteer mula sa ibat ibang lugar sa Metro Manila.
Community organizing anya ang istilo sa kampanya ng kanilang grupo hawig sa ginawa ni United States President Barack Obama para matiyak ang pagkapanalo.
“Hindi po kami umaasa sa partido kundi sa mga lokal na organisasyon na naniniwalang si Gibo Teodoro ang may kakayahan at kuwalipikasyon para ibangon ang bansa sa kahirapan,” pahayag ni Salazar.