Novena para sa eleksiyon
MANILA, Philippines - Magdaraos ng isang nine-day novena prayer ang Simbahang Katoliko sa susunod na buwan para makatiyak na magkakaroon ng isang tapat at malinis na halalan sa bansa sa Mayo 10.
Kasabay nito, hinimok nina Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Tandag Bishop Nereo Odchimar ang kanilang mga kasamahang Obispo na pamunuan ang mga mananampalataya sa pagdaraos ng naturang panalangin.
Layunin ng novena na hingiin ang biyaya at liwanag ng Panginoon upang maging mabunga ang idaraos na halalan sa bansa at mabenepisyuhan ang bansa at ang mga mamamayan.
Sinabi ni Odchimar na kailangan na ng bansa ang “true moral and social transformation.”
Nagpadala na si Rosales ng kopya ng novena prayer sa mga diocesan bishops at sa mga miyembro ng Council of the Laity.
Ang naturang novena ay sisimulang dasalin sa Mayo 1 hanggang sa gabi ng Mayo 9, ang bisperas ng araw ng halalan.
- Latest
- Trending