^

Bansa

AH1N1 aatake muli!

- Nina Ludy Bermudo at Doris Franche -

MANILA, Philippines - May posibilidad na umatake ngayon ang second wave ng kinata­takutang AH1N1 flu virus, ayon sa Department of Health.

Sinabi ni Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center ng DOH, na maaga silang nakaalerto sa muling pagpasok ng mas ma­tinding AH1N1 sa bansa, dahil ang panahon ng influenza sa Pilipinas ay nagsisimula sa panahon ng pasukan.

Ani Tayag, ng naging isang pandemic noong nakaraang taon ang nasabing flu virus ay itinigil na ng DOH ang pagbabantay.

Sa huling naitala, may 13 kaso na ng AH1N1 mula nitong Enero hanggang sa kasalu­kuyan.

Batay sa datos noong nakalipas na taon, uma­bot sa 32 ang namatay sa nasabing sakit, partikular sa mga tinamaan nito na nag­karoon ng kumplikas­yon at iba pang karamda­mang dati nang taglay.

Nagbabala na rin ang DOH sa publiko na hu­wag balewalain ang sim­pleng ubo, pananakit ng ulo at lalamunan at lag­nat, bagkus ay dapat na kaagad ipasuri sa doctor.

Tiniyak naman ni Tayag na ngayong araw ang simula ng pagba­bakuna sa mga frontline healthworkers at mga buntis kontra AH1N1 dahil nasa bansa na ang 1.9 million dosage ng bakuna mula sa World Health Organization (WHO).

Sa mga nais uma­nong makakuha ng ba­kuna, may nabibili na umano sa merkado dahil ang binibigyang prayo­ridad ng DOH ay ang health­workers at mga buntis.

Sa pagdating ng 7 mil­yong dosage ng AH1N1 vaccine mula sa WHO, isusunod naman ang mga batang nasa anim na buwan hang­gang limang taong gu­lang, ga­yundin ang mga ma­ta­tandang 60-anyos pa­taas na madaling ma­ha­waan.

ANI TAYAG

BATAY

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TAYAG

ENERO

NAGBABALA

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

SHY

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with