Professional divers kailangan sa 'Princess'
MANILA, Philippines – Hihilingin ng Public Attorneys Office (PAO) ang tulong ng mga professional divers upang marekober ang natitirang 500 bangkay na hinihinalang na-trap sa tumaob na MV Princes of the Stars sa karagatan ng Romblon noong 2008 habang nasa kasagsagan ng bagyong Frank.
Sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta, ang mga professional divers ay kailangan nila upang magamit ang kanilang mga talento at kakayahan para marecover ang mga natitira pang bangkay na hanggang sa kasalukuyan ay nawawala sa lumubog na barko.
Samantala, nilinaw naman ni Acosta na lumabag ang may ari ng Sulipicio Lines Inc. sa Clean Air Act dahil sa naging abo na lamang ang mga kagamitan ng mga biktima na akala nila ay mga basura mula sa lumubog na barko.
Ang nasabing mga basura na nakulekta nila sa lumubog na barko ay maaring mga personal na gamit ng mga biktima na maaring magturo sa kanilang mga pagkakakilanlan.
Samantala, nakatanggap din ng impormasyon ang PAO na ang 86 bangkay ng lumubog na barko ay ibinaon lamang sa isang mass grave sa Sibuyan island sa Romblon.
- Latest
- Trending