MANILA, Philippines - Nakumpleto na ang mahigit 50 milyong balota na kailangan para sa nalalapit na nationwide automated elections.
Sa ipinadalang mensahe nina Smartmatic-Asia Pacific president Cesar Flores Zavarce at spokesman Gene Gregorio, hatinggabi kamakalawa nang matapos nila ang paglilimbag ng 50,850,940 ballots na kinakailangan ng Comelec sa buong kapuluan.
Abril 25 ang unang ibinigay na deadline para sa nasabing ballot printing ngunit dahil sa full blast printing ng mahigit isang milyong balota kada araw, mas maaga itong natapos kaysa sa inaasahan.