^

Bansa

DNA test sa Vizconde massacre inutos ng Supreme Court

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ng Supreme Court ang National Bureau of Investigation at sa University of the Philippines-Natural Science Research Institute na isailalim sa DNA test ang semen na nakuha sa bangkay ni Carmela Vizconde na sinasabing halinhinang ginahasa muna bago pinaslang ng ilang lalaki sa bahay nito sa Parañaque noong 1991.

Ginawa ng Mataas na Hukuman ang kautusan para pagbigyan ang kahi­lingan ni Hubert Webb na kabilang sa mga suspek na nasentensyahang makulong nang habambuhay dahil sa panggagahasa at pagpatay kay Vizconde at sa ina nitong si Estrellita at kapatid na si Jennifer.

Noon pang 1997 unang hiniling ni Webb ang DNA test pero hindi ito pinagbigyan ng mababang korte dahil hindi pa ikinokonsidera nang panahong iyon ang naturang laboratory examination. 

Noon lamang Oktubre 2007 ipinahintulot ng Mataas na Hukuman ang paggamit ng DNA test bilang ebidensya dahil na rin sa meron nang pasilidad para rito ang UP.

CARMELA VIZCONDE

ESTRELLITA

GINAWA

HUBERT WEBB

HUKUMAN

INATASAN

MATAAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SUPREME COURT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-NATURAL SCIENCE RESEARCH INSTITUTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with