Green Army binuo para kay Gibo

MANILA, Philippines - Mahigit sa 500 leaders ng may  63 urban poor groups sa iba’t ibang ba­hagi ng Metro Manila ang nagtipon at bumuo ng brigadang “Green Army” sa kani-kanilang komuni­dad upang ikampanya at siguruhin ang panalo ng standard bearer ng admi­nistrasyon na si Gilberto “Gibo” Teodoro sa halalan sa Mayo 10.

Ipinahayag ni Daisy Bardoquillo, pinuno ng Kilu­san ng mga Aktwal na Nani­nirahan sa Estado ng Pa­yatas at tagapagsalita ng bagong tatag na Green Army brigades, na nagpa­siya silang suportahan ang kandidatura ni Teo­ doro sa pagka-pangulo matapos silang madis­maya sa nega­tibong kam­panya ng mga katunggali nitong partido.

“Kami ay nadismaya sa mababang uri ng panga­ngampanya ng ibang kan­didato sa pagka-pangulo. Ikinababahala namin na ang negatibong istilo nila ng pangangampanya ang magdudulot ng kawalan ng matatag na pamahalaan at baha-bahaging bansa sa­kaling manalo sa elek­ syon ang mga kandidatong pu­mapatol sa palitan ng ma­aanghang na akusas­yon,” sinabi pa ni Bardoquillo.

Idiniin naman ni Joven Pajora, pangulo ng Parola Binondo Coalition, na sa kanilang surveys, si Teo­doro ang pinakapopular at nakakuha ng mas mara­ming suporta sa sektor ng mahihirap.

Ang naturang surveys ay isinagawa sa mahihirap na lugar gaya ng Baseco at Smokey Mountain, sa Maynila; Sucat, Paraña­que; Tonsuya, Malabon; Golden Ville Tower, San Jose del Monte; Navotas; Caloocan City at Pasay City.

Show comments