Poll result malalaman sa loob ng 10 araw
MANILA, Philippines - Posibleng abutin pa ng 10 araw para mai-release ang official result ng halalan sa Mayo 10, 2010.
Ginawa ng Smartmatic ang pahayag sa isinagawang pulong ng mga technical personnel mula sa Comelec, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) at political party representatives.
Lumilitaw sa ipinakitang proseso na aabutin ng 10 minuto para mai-download ang isang election return (ER) at kung gagawin ito para sa 77,000 clustered precinct ay malamang umano na makumpleto ang mga ito sa Abril 21, 2010.
Sa kabila nito, nilinaw naman ni Prof. Renato Garcia ng Comelec na maaari pa ring gumawa ng magkakahiwalay na quick count coverage, subalit mananatili itong unofficial hangga’t walang idinedeklara ang poll body.
Samantala, sinabi naman ng Comelec na magtatalaga sila ng 10 call centers para sumagot sa mga tanong ng mga botante sa mismong araw ng halalan.
Maging ang mga Board of Election Inspectors (BEIs) ay maaari umanong tumawag sa call center kung may matu tukoy silang biglaang aberya sa proseso ng botohan.
- Latest
- Trending