Devanadera isinasangkot sa Ampatuans
MANILA, Philippines - May alam umano si dating Justice Secretary Agnes Devanadera sa pag-absuwelto sa kasong murder laban kay suspended Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan at Mamasapano Mayor Datu Akmad Ampatuan.
Ayon sa mapapagkatiwalaang source sa Department of Justice, si Devanadera raw ang nagrekomenda kay Acting DOJ Secretary Alberto Agra na palitan siya nito sa DOJ at si Devanadera din umano ang nagrekomenda kay Agra para sa posisyon bilang Solicitor General.
Tinangka namang kunan ng reaksiyon si Devanadera hinggil dito pero hindi ito makausap hanggang sa sinusulat ang balitang ito.
Sinasabing ang mga Ampatuan umano ay nagpalabas ng P60 milyong lobby money sa mga prosecutors para idismis ang murder charges laban sa mga ito.
Si Agra ay nasa gitna nang kontrobersya ngayon nang iabsuwelto sa kasong murder ang dalawang Ampatuan at maging ang ibat ibang grupo ng media ay kinondena ito sa kanyang naging desisyon.
Sa desisyon ni Agra, sinabi nitong wala naman siyang nakitang sapat na ebidensiya na nagdidiin sa kasong murder kina Zaldy at Akmad dahil wala ang mga ito sa crime scene nang maganap ang krimen.
- Latest
- Trending