MANILA, Philippines - Umaabot na sa mahigit 2,000 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa ipinatutupad na gunban kaugnay ng gaganaping lokal at pambansang halalan sa bansa sa Mayo 10.
Ayon kay Philippine National Police Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina, may 2,053 katao ang naaresto sa iba’t-ibang checkpoint sa bansa at kinasuhan.
Nauna ng pinatawan ng pagkakadismis sa serbisyo ng PNP ang 12 pulis habang ang iba pa ay na-demote at nasuspinde matapos mahuli sa gunban.