MANILA, Philippines - Umapela sa publiko ang National Power Corporation na sikaping makatipid sa tubig dahil patuloy na bumababa ang level ng tubig sa mga dam sa Luzon kasama na ang Angat dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay Dennis Gana, tagapagsalita ng Napocor, kailangan nang maalarma ang taumbayan sa biglaang pagbaba ng tubig sa Angat dam na umaabot ng one centimeter per hour o isang metro sa loob ng limang araw.
Sinabi niya na, para hindi mabilis na maubos ang tubig sa Angat dam, ginagawa ang lahat ng paraan ng Napocor pero bigo sila dito dahilan sa kawalan ng ulan para sa sapat na karagdagang tubig sa naturang dam.