MANILA, Philippines - Umiinit ang karera sa pagka-kongresista ng Malabon City ngayong halos tatlong linggo na lang bago mag-halalan. Bukod sa mga mapanirang taktika ng ilan sa mga tumatakbo sa pagiging representante ng iisang distrito ng Malabon, inaasahang iigting ang karahasan sa hanay ng mga kilala nang mga pulitiko sa lugar.
Sa pinakahuling survey ng isang lokal na NGO, nakaungos si Jayjay Yambao na nakakuha ng 40%, sumunod si Arnold Vicencio 35%, Noel Lacson 15%, at huli si Ricky Sandoval na nakakuha lamang ng 10%.
Si Yambao ay dating mayor ng lungsod, si Vicencio naman ang kasalu kuyang vice-mayor at si Sandoval ay dating kongresista ng Malabon-Navotas. Ang survey ay isinagawa sa anim na pinaka-malaking mga barangay ng Malabon City nitong Abril.
Ayon sa mga report, may mga nagpalutang ng impormasyon na aatras na sa laban si Yambao na agad namang pinabulaanan ng kampo nito. Ayon sa tagapagsalita ni Yambao, ganito naman daw ang karaniwang nangyayari kapag nangunguna sila sa kampanya.