^

Bansa

Customs police official, iniimbestigahan sa pekeng eligibility

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Isinailalim sa imbes­tigasyon ng Civil Service Commission ang isang ranking Customs police official na naakusahan ng smuggling at pangha-harass ng isang broker sa Subic port may ilang taon na ang nakakaraan, dahil umano sa pagpalsipika sa kan­yang government service eligibility test.

Kasalukuyang binubu­sisi ng National Capital Region Office ng CSC ang lahat ng mga dokumen­tong may kaugnayan sa government service ni Customs Enforcement and Security Service Maj. Ramon Policarpio kasunod ng impormasyong peke ang kanyang civil service examination paper.

Si Policarpio, nakata­laga sa Port of Manila bilang district police commander, ay na-promote ka­makailan, mula sa rang­gong captain siya’y naging major.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Customs Commissioner Napoleon Morales, iniutos niya sa bu­reau’s administration office na imbestigahan ang kaso.

Noong Oktubre 2008, isang female broker mula sa Red Archer General Ser­vices ang naghain ng rek­lamo laban kay Policar­pio, noo’y district police commander sa Subic Port, dahil sa sexual harassment.

Ngunit itinanggi ito ni Policarpio at sinabing ito ay kaso ng mistaken identity “thinking that she is a friend.”

Noong 2007, sinibak si Policarpio at 24 sa kan­yang mga ahente dahil sa sinasabing pagkakasang­kot sa smuggling activities.

CIVIL SERVICE COMMISSION

CUSTOMS COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

CUSTOMS ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE MAJ

NATIONAL CAPITAL REGION OFFICE

NOONG OKTUBRE

POLICARPIO

PORT OF MANILA

RAMON POLICARPIO

RED ARCHER GENERAL SER

SHY

SI POLICARPIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with