^

Bansa

Binay, Loren tabla sa surveys

-

MANILA, Philippines - Dahil nalalapit na ang eleksyon, titindi ang banatan sa pagitan ng dalawa.

Ayon sa iba’t ibang surveys na ginawa noong katapusan ng buwan, si Jojo Binay (PMP), ay humabol na sa second-placer na si Loren Legarda (NP). Sa resulta ng April 4-6 Manila Standard Today Surveys, nakatamo si Binay ng 22% habang si Legarda ay nakakuha ng 24%. Sa margin of error na 2%, ito ay maaring sabihin na tabla na ang dalawang kandidato. Hinahabol nila ang nangungunang si Mar Roxas, na may 39% ng mga tumugon sa survey.

Kung pagbabatayan ang mga resulta mula Dec 2009, si Loren Legarda ay nalagasan na ng 12-13% habang si Binay ay tumaas na ng 9-11%. Dahil hindi gaanong nagbabago ang mga numero ng ibang mga kandidato, itinatayang ang nalalagas kay Legarda ay lumilipat kay Binay. Nangangahulugan din na parehong sektor o grupo ng mga botante ang nililigawan nila.

Sa paliwanag ng kampo ni Binay, ang pagbagsak ng mga numero ni Legarda ay natulungan ng kanyang kapalpakan sa Harapan VP Debates sa La Consolacion College at ang mahusay na pakikipagsabayan ng kanilang kandidato kay Bayani Fernando. 

Ayon naman sa mga tagapagtanggol ni Legarda, hanggang dyan na lamang daw ang itataas ni Binay dahil sa Makati lang at sa NCR kilala ito. Hindi rin daw kayang tuparin ni Binay ang pangakong gawing tulad ng Makati ang buong Pilipinas dahil bise Presidente lamang ang hinahabol niya.

vuukle comment

AYON

BAYANI FERNANDO

BINAY

DAHIL

JOJO BINAY

LA CONSOLACION COLLEGE

LEGARDA

LOREN LEGARDA

MAKATI

MANILA STANDARD TODAY SURVEYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with