Bro. Eddie number one sa exit poll sa Hong Kong!
BATANGAS CITY , Philippines – Nanguna sa unang sigwa ng halalan ng overseas ab sentee voting (OAv) sa Hong Kong si Bangon Pilipinas standard bearer Bro. Eddie Villanueva sa labanan sa pagka-pangulo.
Ayon sa The Sun Hong Kong exit poll mula sa 2,901 overseas absentee voter na bumoto noong Abril 11, nanguna si Villanueva sa botong 396 na sinundan ni LiberaL Party presidential bet Benigno ‘Noynoy” Aquino, 392 at pumangatlo si Nacionalista party presidential candidate Manny Villar sa 204 boto.
Sa pagkabise presidente, nanguna si LP vice presidential bet Mar Roxas, 326 boto. Pumangalawa si Perfecto Yasay ng Bangon Pilipinas subalit hindi binanggit sa artikulo ang bilang ng nakuhang boto nito na sinundan ni NP vice presidentiable Loren Legarda.
Hindi rin nagpahuli ang Bangon Pilipinas matapos na anim sa kanilang kandidato sa pagka-senador ang pasok sa magic 12 sa OAV automated election sa HK.
Sinabi ni Villanueva na ang pangunguna niya ay patunay na hindi credible ang mga surveys kung saan lumalabas sa mga survey na nasa pang-lima lamang siya sa lahat ng presidentiables.
Ang overseas absentee voting sa buong mundo ay nagsimula noong Abril 10 at magtatapos sa Mayo 10, 2010.
- Latest
- Trending