^

Bansa

P10-bilyong shabu kuha sa Taguig raid

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tila nagiging paborito umano ng mga bilyo­naryong drug lords ang lungsod ng Taguig ma­tapos ang isang matagum­pay na drug buy-bust ope­ration sa Taguig City ka­makailan.

Sinabi ni National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) chief director Roberto Rosales na ang kanilang raid sa isang dambuhalang illegal drugs factory na may P10 bilyong halaga ng metamphe­tamine hydrochloride o shabu sa Taguig City nung Marso 26 ang pinakama­laking hakot ng ipinagba­bawal na droga. 

Sa panayam ng media kay Rosales, ang kanilang dalawa’t kalahating buwan na surveillance ay nag­bunga ng matagumpay na buy bust operation.

Nasakote ang Chinese nationals na sina Gou Fu, 30, at William Alterejos, 40, na sila umanong nagpa­patakbo ng shabu factory.

Kung matatandaan, mainit ang usaping illegal drugs sa nasabing lunsod. Kamakailan lamang, nag­wala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng palayain sa kulungan sina Fernando, Alberto, at Allan Carlos Tinga, pawang mga miem­bro ng “Tinga Drug Syn­dicate”.

Itinuro ni PDEA agent Jeff Roquero, na kasama sa humuli sa mga Tinga, na sina retired Supreme Court Justice Dante Tinga at Taguig City Mayor Freddie Tinga ang posible umanong nasa likod kung bakit pinalaya ang mga kaanak.  

Sa kasalukuyan, pitong miyembro ng “Tinga Drug Syndicate” ang nasa re­cord na ng mga awtoridad. Ito ay sina Noel, Joel, Fer­nando, Allan Carlos, Al­berto, Bernardo at Hector Tinga.

Sa kasalukuyan ay ayaw pa rin pangalanan ni dating DDB Chairman Tito Sotto kung sino ang dala­wang mayor sa Metro Manila ang sangkot sa droga. Si Sotto na tuma­takbo sa pagka-senador, ay nagbigay ng listahan kay Pangulong Arroyo kung sinu-sino diumano ang sangkot sa “narco-politics” sa bansa nung siya pa ang DDB head.

ALLAN CARLOS

ALLAN CARLOS TINGA

CHAIRMAN TITO SOTTO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYN

DRUG SYNDICATE

GOU FU

HECTOR TINGA

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with