^

Bansa

Mga akusado sa Maguindanao massacre ililipat sa Bicutan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ipinag-utos na ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang paglilipat ng piitan sa lahat ng Ampatuan at iba pang mga akusado sa Maguindanao massacre sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa ipinalabas na Commitment Order ni Judge Solis-Reyes kamakalawa ay ipinalilipat na Metro Manila District Jail sina Datu Zaldy “Puti” Ampa­tuan, Datu Akmad “Tato” Ampatuan Sr., Datu Sajid U. Ampatuan at Datu Anwar Ampatuan.

Ang nasabing mga suspect na Ampatuan ay kasalukuyang nakakulong sa headquarters ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 12 sa Camp Lira, General Santos City.

Kabilang din sa ipinalilipat ng kulungan si dating Maguindanao Gov. Datu Andal Ampatuan Sr. na nasa custodial ng AFP-Eastern Mindanao Command sa Camp Panacan, Davao City.

Ipinalilipat din sa Metro Manila District Jail ang may 50 mga miyembro ng Maguindanao Police na isinasangkot o inuugnay sa naganap na massacre.

Itinakda ni Judge Solis-Reyes ang Arraignment/Pre-Trial ng mga akusado sa April 21, 2010 ganap na 9:00 ng umaga sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig na siyang bagong venue ng paglilitis.

AMPATUAN

AMPATUAN SR.

CAMP BAGONG DIWA

CAMP LIRA

CAMP PANACAN

COMMITMENT ORDER

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DATU AKMAD

DATU ANDAL AMPATUAN SR.

JUDGE SOLIS-REYES

METRO MANILA DISTRICT JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with