^

Bansa

Justices humirit sa gun ban

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ng isang mahistrado ng Korte Suprema ang Commission on Elections na ikonsidera ang kanilang kahilingan at pagbigyan sila sa gun ban exemption.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin, dapat nang seryosohin ang ka­nilang kahilingan sa gun ban exemption upang ma­bigyan ng mga hukom at mahistrado ng proteksyon ang kanilang mga sarili.

Iginiit pa nito na ang mga hukom ay nag-iisip muna kung ano ang kani­lang sasabihin bago mag­salita subalit ang mga hindi nila kilalang kaaway ay bigla na lamang silang binabaril at pinapatay.

Si Bersamin ay kapatid ni dating Abra Rep. Luis Bersamin Jr na nabaril at napatay noong December 2006.

Ang pahayag ng ma­histrado ay kaugnay sa tangkang pagpatay kay Basilan Judge Leo Prin­cipe noong Martes ng gabi at kay Manila RTC Judge Silvino Pampilo kama­ka­lawa ng umaga. 

ABRA REP

AYON

BASILAN JUDGE LEO PRIN

HINIKAYAT

JUDGE SILVINO PAMPILO

KORTE SUPREMA

LUIS BERSAMIN JR

SHY

SI BERSAMIN

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE LUCAS BERSAMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with