MANILA, Philippines - Nagsampa kahapon ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman si dating Supreme Court (SC) Associate Justice at ngayon ay tumatakbo ring Mayor ng Taguig na si Dante Tinga laban kay Senador Alan Peter Cayetano at sa asawa nitong si 2nd District Rep. Ma. Laarni Cayetano.
Sinabi ni Tinga na ang mag-asawang Cayetano ay sinampahan niya ng kasong libel at perjury dahil sa pag-uudyok sa isang Jovito Olazo na sampahan siya ng kasong graft sa Ombudsman dahil sa uma no’y land grabbing na naglalayon lamang na sirain ang kanyang reputasyon dahil si Rep. Cayetano ay tumatakbo ding Alkalde ng Taguig kung saan kalaban nito ang una.
Inakusahan din nito sina Cayetano at Olazo na may sabwatan dahil sa pagtata wag sa media sa pamamagitan ng isang press conference noong Marso 24 sa isang restaurant sa Maynila upang magkaroon ng publicity tungkol sa pagsasampa sa kanya ng kaso.
Iginiit ni Tinga na wa lang kakayahan si Olazo na makakuha ng legal assistance at press coverage para sa pagsasampa sa kanya ng kasong graft at tanging ang mag-asawang Cayetano lamang umano ang mayroong motibo na sulsulan si Olazo.
Magsasampa din umano si Tinga ng disbarment case laban kay Sen. Cayetano dahil sa gross misconduct at paglabag sa lawyers oath.