Roxas hinamon ng debate
MANILA, Philippines - Hinamon ng dalawang principal proponents ng cheaper medicine legislation si Senador Mar Roxas sa isang debate saan man at kung kelan upang malaman ng taumbayan kung sino ang nagsasabi ng totoo hinggil sa sinasabing ama ng naturang batas.
Sinabi nina Cong. Ferjenel Biron at dating Congressman na ngayon ay Iloilo Vice Gov. Rolex Suplico na ang unang nag-file ng cheaper medicine bill na handa silang makipagdebate kay Roxas para sa isang face-to-face confrontation kung hindi ay humingi ng paumanhin sa publiko hinggil dito.
Nais ng mga ito na ipaliwanag din ni Roxas ang umano’y P1-bilyon lobby fund na ibinigay ng foreign pharmaceutical companies na pakalmahin hindi man tuluyang mapahinto ang cheaper medicine law.
Anila, hindi dapat angkinin ni Roxas na siya ang author ng Cheaper Medicine Act dahil ang senador ay nag-file lamang ng Senate Bill 101 noong 14th Congress para sa pagkakaroon ng parallel drug importation na magbebenepisyu lamang ay ang mga multinational companies. Sinabi nina Biron at Suplico na nagsampa sila ng original bill para sa murang gamot noong 11th Congress na na-refiled noong 14th Congress na ginagamit nitong basehan sa pag-draft ng kasalukuyang batas.
- Latest
- Trending