LP inendorso si Governor Ynares

ANTIPOLO, RIZAL, Philippines - Pormal na inendorso na ng Liberal Party (LP) si Rizal Governor Casimiro “Junjun” Ynares III bilang opisyal na kandidato nito sa lalawigan.

Itinaas ni LP standard bearer Benigno “Noynoy” Aquino III ang kamay ni Ynares sa pagbisita ng partido sa lalawigan ng Rizal. Si Ynares na miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ay “adopted candidate” umano ng halos lahat ng partido.

Sinabi ni Aquino na si Ynares ang ehemplo ng bagong lider ng mga kabataan na tumataguyod sa polisiya ng “transparency” at paglaban sa korapsyon.

Dahil dito, nabasura ang ipinagmamalaki ni suspended Rodriguez, Rizal Mayor Pedro Cuerpo na siya umano ang sinusuportahan ng LP na kandidato sa pagka-gobernador sa lalawigan. Nilinaw naman ng LP na hindi nila opisyal na kandidato si Cuerpo sa lalawigan ng Rizal at pinatitigil ang paggamit sa kanila at sa mga yumaong magulang ni Aquino sa kanyang mga “campaign posters”.

Show comments