Kabuhayan tututukan

MANILA, Philippines - Ang kabuhayan at kalusugan ang panguna­hing pangangailangan ng maraming residenteng maralita sa Marikina.

Kaya naman isang programa ang binuo ni Eduardo C. Francisco sa kanyang kandidatura para sa kongreso na naglalayong maiangat ang antas ng kabuhayan ng libong maralita sa kanyang nasasakupan sa distrito 2 ng lungsod.

Ayon kay Francisco, tumatakbong Kongresista sa ikalawang distrito ng Marikina, sa kasalukuyan, marami pa rin sa mga mamamayan ng kaniyang nasasakupan ang nagdurusa sa larangan ng serbisyo publiko na pangunahing kailangan para mamuhay ang mga ito ng matiwasay ang kanilang pamilya.

Show comments