Reporma sa lupa sa Rizal, patay na
MANILA, Philippines - Patay na ang reporma sa lupa sa Mascap, Rodriguez, Rizal dahil ayaw pang pakawalan ng pamilya ni Senador Mar Roxas ang lupain sa Hacienda Araneta para sa mga tenant families sa naturang lugar.
Ito ang sumbong ng naturang mga pamilya sa Elliptical Press Corps na nakabase sa Department of Agrarian Reform hinggil sa umanoy matagal nang problema sa lupa na naipagkaloob na sa kanila ng pamahalaan may ilang taon na ang nakararaan.
Nais din ng mga CARP beneficiaries na ito na tulungan sila ng DAR beat reporters na makarating sa Supreme Court ang hinaing nilang maaksiyonan na nito ang petisyon na naisampa ng ina ni Roxas na si Judy Araneta gayundin ng senador Roxas na sila ay matulungan nito.
Ilan din sa mga orihinal na agrarian reform beneficiaries ay namatay na.
Pinatitigil ng mga Araneta ang pamamahagi sa lupa para mai convert na commercial-residential ang lupang sakahan. Tinanggihan ito noon ni dating DAR Secretary at ngayon ay Senador Miriam Defensor-Santiago.
- Latest
- Trending