MANILA, Philippines - Irerekomenda ng Philippine Army sa Department of Justice (DOJ) na gawing state witness ang lima sa Morong 43 kaugnay ng kaso laban sa mga lider at miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nasakote sa lalawigan ng Rizal.
Sinabi ni Army Chief Lt. Gen. Reynaldo Mapagu na hindi nila aatrasan at mas higit pang ipupursige ang kaso laban sa nalalabi pang Morong 38.
Kabilang sa limang nagbalikloob loob sa gobyerno ay sina Cherrylyn Tawagon, Ellen Carandang, Genalyn Pizzaro, John Mark Barientos at Valentino Paulino.
Sa kabila nito, sinabi ni Mapagu na nasa hurisdiksyon na ng DOJ ang desisyon kung gagawing state witness ang lima.
Magugunita na ang Morong 43 o mga lider at miyembro ng NPA ay nasakote ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa raid sa isang resthouse sa Morong, Rizal habang nagsasanay umano sa medical mission at bomb making.