Atienza inindorso ng PMAP
MANILA, Philippines - Inindorso ni Peoples Movement Against Poverty (PMAP) chairman Ronald Lumbao ang kandidatura ng nagbabalik na Alkalde ng Maynila na si Lito Atienza at ang “Buhayin ang Maynila” ticket sa isang kick off rally sa Sampaloc, Maynila kama kailan.
Naniniwala si Lumbao sa kakayahan ni Atienza at ng buong ticket nito dahil ito ang maaaring makapag-paangat sa antas ng pamumuhay ng mga Manileñong mahihirap.
Iginiit ni Lumbao na iisa sila ng layunin para sa mahihirap kayat si Atienza at ang buong ticket nito ang kanyang inindorso.
Ang PMAP ang isa sa pinakamalaking grupo na lumalaban para sa mahihirap.
- Latest
- Trending