Probe sa graduation fund hingi
MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga estudyante ng Philippine Normal University sa pamumuno ni Lutgardo Barbo sa mga awtoridad kabilang na ang Commission on Higher Education na imbestigahan ang misteryosong pagkawala ng mahigit P400,000 graduation fund na kinolekta sa mga estudyanteng nagtapos noong school year 2009-2010.
Sa kanilang open letter, nangangamba ang Student Government leaders sa posibleng “white wash” upang makalusot sa responsibilidad ang mga sangkot sa sinasabing pagkawala ng pondo.
Una nang sinampahan ng kasong qualified theft ng Manila Police District sa Manila Prosecutor’s Office si Jayson Dalde, 19, Bachelor in Secondary Education-English student at treasurer ng PNU Seniors’ Committee dahil sa pagkawala ng P400,000 “graduation funds” sa pagitan ng February 20-23, 2010.
Pinagdudahan ng student government leaders ang hindi agarang pagre-report sa mga otoridad ng mga opisyal ng committee na pinamumunuan ni Christopher Palabay sa pagkawala ng pondo.
Ang pangongolekta ng graduation fee ay isinagawa sa kabila ng regulasyon ng pamahalaan na gawing simple ang mga seremonya sa pagtatapos ng mga mag-aaral. Ni Danilo Garcia
- Latest
- Trending