^

Bansa

Pagbalewala sa Luisita, Mendiola slay binira ng UP students

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Mariing kinondena ng student council ng University of the Philippines ang patuloy na pagbalewa ni Presidential aspirant Sen. Benigno “Noynoy” Aquino sa Hacienda Luisita massacre na nag-iwan ng 14 patay at may 100 ang sugatan na naganap noon pang 2004.

Sa isang pulong-balitaan sa UP, sinabi ni Ana Coritha Desamparado, national chairperson ng Katipunan ng mg Sanguniang Mag-aaral ng UP, anim na taon na ang naka­lilipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit ng mahigit sa 100 magsasaka at kani-kanilang pamilya ang hustisyang matagal na nilang ipinaglalaban.

Idinagdag pa ni Desamparado na ang masaker sa Hacienda Luisita at ang patuloy na labor dispute ay importanteng usapin na dapat harapin ng isang seryosong lider.

Matatandaan na ang mismong pinsan nito na si Fernando Aquino ang nabunyag sa New York Times na walang plano ang Aquino family na bitiwan o ipamigay ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka.

Kaugnay nito, umapela kahapon si United Luisita Workers’ Union president Lito Bais kay Justice Sec. Al Agra para sa agarang pag-imbestiga muli ng Mendiola at Luisita massacres na nag-iwan ng 20 bangkay at hanggang ngayon ay walang naparurusahan.

Nakiusap si Bais na tulungan silang makam­tan na ang matagal nang naantalang katarungan para sa kani­lang mga pinatay na kasamahan at sa pagdakip ng mga killer at ng utak ng parehong masaker.

vuukle comment

AL AGRA

ANA CORITHA DESAMPARADO

AQUINO

FERNANDO AQUINO

HACIENDA LUISITA

JUSTICE SEC

LITO BAIS

NEW YORK TIMES

SANGUNIANG MAG

UNITED LUISITA WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with