MANILA, Philippines - Sinabi ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer at dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro sa isang ambush interview na hindi pa tapos ang labanan at hindi dapat maging kampante ang kanyang pinsan na si Senador Benigno Noynoy” Aquino.
Inihayag ito ni Teodoro matapos sabihin ni Aquino na ang labanan sa presdential race ay sa pagitan na lang ng huli at ni Senador Manny Villar.
Sinabi ni Teodoro na nararamdaman na nila ang pagkilos ng makinarya ng Lakas-Kampi-CMD matapos igiit ng may 50 gobernador ang kanilang pagsuporta sa kanya.
Ayon pa kay Teodoro na hindi dapat pakasiguro ang pinsan niyang si Noynoy dahil lamang sa mataas na ratings nito sa mga surveys dahil unti-unti nang mara ramdaman ng kanyang mga katunggali ang kanyang ‘lakas’.
Idinagdag pa ni Teodoro na isang patunay na nasa presidential race pa rin siya ay ang mainit na pagsalubong sa kanya ng mamamayan ng Negros Occidential kung saan ay nagkulay berde ang kalye ng Bacolod City sa ginawa niyang motorcade dito kahapon.