^

Bansa

Rotating brownouts lumala

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lalo pang lumala ang nararanasang “rotating brownouts” sa Metro Manila at mga karatig lala­wigan makaraang magpa­tupad kahapon ng tatlong oras na pagtigil sa suplay ng kuryente ang Manila Electric Company (Meralco).

Buhat sa dalawang oras nitong Miyerkules, nag-tatlong oras na ito kahapon dahil sa umano’y 800 megawatts na kakulangan sa suplay ng kuryente, ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco.

Una ng binanggit ng Department of Energy na tatagal pa ng 2 linggo ang mararanasang rotating brownout sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon, dahil pa rin sa prob­lema sa supply ng kur­yente na sinabayan pa ng pag-aberya sa mga power grid stations.

Kabilang sa naturang mga planta ang Sual-2 power station sa Panga­sinan, Sta. Rita modules 20 at 40 sa Batangas, Malaya Unit 1 sa lalawigan ng Rizal at coal-fired power facility sa Pagbilao, Quezon.

Sinisi naman ng nag­papatakbo ng Sual at Sta. Rita power plants ang matinding init ng panahon kung bakit nag-break down ang kanilang mga pasili­dad.

BATANGAS

BUHAT

DEPARTMENT OF ENERGY

JOE ZALDARRIAGA

MALAYA UNIT

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

METRO MANILA

SHY

SUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with