MANILA, Philippines - Nanawagan si Pwersa ng Masang Pilipino senatorial candidate Joey de Venecia III sa Commission on Audit na repasuhin ang mga kontrata sa suplay na pinasok ng Commission on Elections para sa May 10 automated elections.
Nagbabala si de Venecia na maaaring ang isyu ng over-priced plastic ballot security folders ay bahagi lamang ng mas malaking kontrobersiya sa loob ng komisyon.
Ayon kay de Venecia, hindi dumaan ang transaksyon para sa security folders sa public bidding at ang specifications ng folder ay ginawa mismo ng supplier at hindi base sa alinmang terms of reference na itinalaga ng Comelec.
Sa kabila nito, natuloy pa rin ang transaksyon sa process of approvals hanggang sa Comelec en banc na siyang na-apruba sa deal kahit walang delivery price sa contract documents na nilagdaan.