^

Bansa

Botante sa Abra tinatakot ng 'SAF men'

-

BANGUED, Philippines – Hindi na ligtas ang mga mama­mayan sa Barangay Ca­ lab sa lalawigang ito dahil sa pagsulpot ng mga ar­ma­­dong lalaki na pawang nakasuot ng uni­porme ng militar.

Ito ang sinabi ni Er­nesto B. Dalit, residente ng Sitio Pagaoay matapos magkaroon ng hindi ma­gandang karanasan sa mga nasabing armadong lalaki na pawang nakasuot ng uniporme ng Special Action Force na kuma­katok sa mga kabahayan kapag hatinggabi at iti­nututok ang kanilang mga mahahabang baril na pa­wang may nakarolyong P1,000 sa dulo bago ita­tanong ang pangalan ng mga botante.

Naglakas-loob si Dalit na lumutang upang luma­bas ang katotohanan ma­ta­pos ang hindi magan­dang karanasan sa kamay ng mga tauhan ng “SAF.”

Noon anyang Marso 30, aabot sa 10 lalaki, apat sa mga ito ay nakasuot ng bonet o “kulpong” sa Ilo­cano, at nakasuot ng uni­porme ng SAF, ang duma­ting sa kanyang bahay lulan ng trak ng militar at isa-isang tinanong ang mga pangalan ng mga boboto.

Matapos makumpleto ang listahan, binigyan umano sila ng mga arma­dong lalaki ng tig-P1,000 at sinabing: “Inted ni Ryan sa para meryenda (Mula ito kay Ryan para pang­mer­yenda nyo).”

Si Ryan ay ang kan­didato sa pagkaalkalde na si Ryan S. Luna. Ang nag­rereklamong Si Dalit ay isa sa political leader ni Ban­ued Mayor Dominic Valera.

Sinabi pa ni Dalit na makalipas ang dalawang minuto, isa pang lalaki na nakasuot din ng ‘kulpong’ ang sumulpot at bigla na lang siyang hinataw ng dulo ng mahabang baril sa kanang bahagi ng kan­yang ulo. Inakusahan siya ng lalaki na nama­mahagi ng pera mula sa isang kandidato.

Tinakot din siya at kanyang mga kasama ng mga armadong lalaki na sasaktan kapag gumalaw.

vuukle comment

BARANGAY CA

DALIT

LALAKI

MAYOR DOMINIC VALERA

RYAN

RYAN S

SHY

SI DALIT

SI RYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with