^

Bansa

Nograles dismayado sa Comelec

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dismayado si House Speaker Prospero C. Nog­rales sa Commission on Elections sa umano’y ka­pa­bayaan nito sa tungkulin na magpatupad ng isang malinis at mapayapang eleksiyon, dahil sa uma­no’y pagkabigo ng ahen­siya na ipatupad ang total gun ban.

Ayon kay Nograles mismong sa Davao City, may mga lokal na opisyal, opisyal ng barangay at maging mga motorcycle-riding goons na walang takot na kumakalat sa lugar at ni hindi itinatago ang kanilang mga baril sa publiko. Mayroon din uma­nong mga miyembro ng New People’s Army na malayang paka­lat-kalat sa mga barangay upang manakot ng mga tao at mga bolun­taryong nanga­ngam­pa­naya para sa mga lokal na kandidato rito na tuma­tangging magbigay ng protection money sa grupo ng NPA.

Pinuna ni Nograles, dahil sa patuloy na pag­tanggi ng Comelec na ilagay ang Davao City sa ilalim ng full Comelec control, mayroon ng dalawang tao ang nagbuwis ng buhay, ito ay ang mga cam­paign volunteers ng Bantay Party-list group na pina­mumunuan ni retired Major General Jovito Pal­paran, na kilalang anti-com­munist advocate at kritiko ni Mayor Rodrigo Duterte.

Bukod dito, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin umano kumikilos ang Comelec upang linisin ang voter’s list kung saan may­roong humigit-kumulang sa 40,000 multiple/double at dead registrants sa Davao City at Davao del Sur, ilan sa mga nasa talaan ay kapatid at anak umano ni Mayor Duterte. 

BANTAY PARTY

COMELEC

DAVAO CITY

HOUSE SPEAKER PROSPERO C

MAJOR GENERAL JOVITO PAL

MAYOR DUTERTE

MAYOR RODRIGO DUTERTE

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with