Magsasaka nagpasaklolo
MANILA, Philippines - Iginiit ng may 1,030 tenant families ng Barangay Mascap, Rodriguez, Rizal kay outgoing Supreme Court Justice Reynato Puno na tulungan silang makuha na ang lupang matagal na nilang pinagyayaman at pinagkukunan ng ikinabubuhay may ilang taon na ang nakararaan makaraan isailalim ito sa agrarian reform program ng Department of Agrarian Reform noong Hunyo 15,1988.
Hawak ang kanilang mga titulo ng lupa, sinabi ng mga itong 38 taon nang naghihintay na maibigay na sa kanila ang naturang lupa mula 1972 na kinapapalooban ng may 1,645 ektaryang sakahan ay nagsasabing napapanahon nang maibigay na sa kanila ito nang tuluyan dahil matagal na itong naipagkaloob sa kanila sa ilalim ng comprehensive agrarian reform program.
Gayunman, dahil sa kilala at may pera ang pamilya, kahit na naideklara noon ni dating Dar secretary na ngayon ay Senador Miriam Santiago ang lupa, wala silang magawa kundi ang patuloy na igiit sa mga Roxas na ipagkaloob na sa kanila ang lupang naibigay na sa kanila ng pamahalaan.
Sinabi ni Rogelio Lopez ng Barangay Agrarian Reform Committee sa Mascap na dapat wakasan na ang pag-aangkin sa lupain dahil hindi naman anya natuloy ang pagbili ng mga Araneta sa lupain. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending