MANILA, Philippines - Inutusan na ni Pangulong Arroyo ang mga miyembro ng Lakas-Kampi-CMD na ikampanya ng husto si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr.
Sinabi ni Presidential Adviser for Political Affairs Sec. Prospero Pichay, ang tanging bilin ng Pangulo sa mga miyembro ng Lakas-Kampi-CMD ay ikampanya at ipanalo ang pambato ng administrasyon gayundin ang vice-presidential candidate na si Edu Manzano at 6 na senatorial candidates nito.
Ayon kay Sec. Pichay, dapat tigilan na ang mga tsismis sa pulitika dahil walang katotohanan ito tulad ng pagkakaroon daw ng secret deals kay Nacionalista Party standard bearer Sen. Manny Villar.
Siniguro naman ni Albay Gov. Joey Salceda na ang mga governors ay solidong susuporta at ikakampanya hanggang sa manalo ang mga pambato ng administrasyon.
Dumalo si Pangulong Arroyo bilang honorary chair ng partido sa nasabing pulong ng mga governors na ipinatawag ni Salceda upang lumikha ng mga bagong strategy sa nalalabing 1 buwan ng kampanya para masiguro ang panalo ni Teodoro.