^

Bansa

COC ng Palawan gob. pinakansela ng Comelec

-

MANILA, Philippines - Pinakansela ng Commission on Elections ang certificate of candidacy (COC) ni incumbent Palawan Gov. Mario Joel Reyes na tumatakbong kongresista para sa May 10 elections.

Base sa 17-pahinang resolution ng Comelec second division, si Reyes ay guilty ng “material misrepresentation” sa kanyang inihaing COC matapos itong mabigong mapatunayan na permanent resident siya ng Brgy. Tigman, munisipalidad ng Aborlan, Palawan kung saan siya tumatakbo bilang Kongresista sa ikalawang distrito.

Nakasaad pa sa resolution na isinulat ni Commissioner Elias Yusoph, nabigo din si Reyes na magpakita ng ebidensiya na eligible ito para sa kanyang posisyong tinatakbuhan.

Nakasaad sa kautusan na ang isang kandidato para maging qualified kailangan ang tatlong requirements ng domicile o residency kabilang dito ang actual removal o actual change of domicile, ang intensiyon na abandonahin ang dating lugar kung saan siya nakatira at mag-establish ng bagong lugar kung saan nais niyang tumakbo.

Ayon kay Yusoph base sa kanilang maingat na eva­luation at eksaminasyon sa mga iprinisentang ebidensya ng petitioner na si Antonio V. Gonzales at ng respondent, si Reyes ay residente ng Coron at nabigo itong mailipat ang kanyang residence sa Aborlan na siyang requirement sa ilalim ng batas.

Nag-ugat ang petition noong Disyembre ng nakaraang taon matapos na kuwestiyunin ni Gonzales si Reyes dahil sa patuloy nitong pagtira sa Coron simula ng ipanganak ito subalit nabigo naman itong magpakita ng katibayan na inabandona na niya ito para makatakbo siya sa distrito ng Aborlan.

Samantala iprinisinta naman ni Reyes ang kanyang transfer of voters registration records mula sa Coron patungong Aborlan noong Marso 19, 2009, statement of assets, liabilities and net worth (SAL) mula 2008 kung saan nakalagay ang kanyang bagong address na Tigman, Aborlan at iba pa.

Subalit iginiit naman ng Comelec na walang sapat na bigat ang mga iprinisintang ebidensiya ni Reyes.

Bukod sa kanselasyon ng COC ni Reyes, ipinag-utos din ng second division ang pag-aalis ng pangalan nito sa official ballots. (Mer Layson)

ABORLAN

ANTONIO V

COMELEC

COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

CORON

GONZALES

MARIO JOEL REYES

MER LAYSON

NAKASAAD

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with