Puganteng Kano tiklo
MANILA, Philippines - Dinampot ng Bureau of Immigration, sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Marcelino Libanan, ang isang puganteng Amerikano noong Holy Tuesday sa Aurora Province.
Sa ulat kay Libanan, ang pugante ay kinilala bilang si 59-year-old Robert Nicol alias “Bob”.
Ginawa ang pag-aresto kay Nicol sa isang joint operation ng BI agents at ng Aurora at Pangasinan police.
Si Nicol ang subject ng isang Federal warrant of arrest na inilabas ng US District Court para sa Southern District ng Florida dahil sa wire fraud.
Nagbigay ang Federal Bureau of Investigation sa Pilipinas ng impormasyon na si Nicol ay nagtatago sa Nueva Ecija, Baguio City, Pangasinan o Aurora province. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending