^

Bansa

Suspension kay Lim, 21 pa hingi

-

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon sa Office of the Ombudsman ang Crusade Against White Collar Crime na magpalabas na ng suspension order laban kay Manila Mayor Alfredo Lim, Vice Mayor Isko Moreno at 20 konsehal ng lunsod kaugnay ng kaso nilang graft and corruption na isinampa ni anti-graft Lawyer Reynaldo Bagatsing na may kinalaman sa umano’y “paluging” pagbenta sa Century Park Sheraton. 

Ginawa ni CAWCC-Manila Chapter Chairman Marlon Lopera ang panawagan makaraang mapaulat ang pahayag ni Assistant Ombudsman Jose de Jesus na hindi saklaw ng election ban ang mga kasong graft.

Sinabi ni Lopera na nangangamba ang mga Manilenyo na, hangga’t nakaupo ang mga akusado sa kani-kanilang mga posisyon, hindi malayong magamit nila ito partikular ang ‘pondo ng bayan’ ngayong kasagsagan na ng pangangampanya sa halalang lokal.

“Kung ang pamunuan po ng Office of the Ombudsman ay maagap na magbababa ng suspension order laban sa mga akusado, malaking bagay po ito para sa interes ng publiko dahil malilimita po sila na gamitin ang pondo ng bayan para sa kanilang pangangampanya,” paliwanag ni Lopera.

ASSISTANT OMBUDSMAN JOSE

CENTURY PARK SHERATON

CRUSADE AGAINST WHITE COLLAR CRIME

GINAWA

LAWYER REYNALDO BAGATSING

LOPERA

MANILA CHAPTER CHAIRMAN MARLON LOPERA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with