^

Bansa

Gastos ni Villar sa pol. ads - Nielsen, P.5 milyon kada oras

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit kalahating milyong piso bawat oras ang umano’y gastos ni NP presidential bet Manny Villar sa kanyang mga political ads sa nakalipas lamang na tatlong buwan.

Ayon sa report ng AGB Nielsen Media Research na ipinalabas ng Pera at Pulitika (PaP), lumalabas na si Villar ang may pinakamalaking gastos sa hanay ng mga kandidato ngayong halalan kung saan lumampas na rin ito sa itinakdang dami ng oras para sa pagpapalabas ng mga poll ads sa mga radyo at telebisyon.

Kabuuang P1.2 bilyon umano ang nagastos ni Villar na kung susumahin ay tumataginting na P555,555 kada oras para lamang sa political advertisement sa nakaraang tatlong buwan.

Ang Nielsen/PaP ay koa­lisyon na nagbabantay sa gastos ng mga kandidato upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa regulasyong itinakda ng Omnibus Election Code (OEC) para sa mga gastos ng mga kandidato at hindi ito maabuso.

Sa datos ng Nielsen, P1.2 bilyon na ang pe­rang inilabas ni Villar simula Nobyembre 1, 2009 hanggang Pebrero 8, 2010 na kung hihimayin ay papatak sa P13,333,333 bawat araw at P555,555 bawat oras.

Ang naturang halaga ay mahigit triple pa sa nagastos ng kanyang mga kalaban na sina Sen. Noynoy Aquino (P356 milyon); dating Pang. Joseph Estrada (P93 mil­yon); ex-DND Sec. Gilbert Teodoro (P473 milyon); Sen. Richard Gordon (P246 milyon); at, Bro. Eddie Villanueva (P103 milyon).

Ayon pa rin sa datos ng Nielsen/PaP, sinapawan rin ni Villar ang pinagsamang oras ng kanyang mga kalaban sa dami ng kanyang mga political ads sa mga radio at telebisyon, kung saan mahigit kalahati ng mga napanood ng taumbayan  sa nakaraang tatlong buwan ay pulos na lang sa kanya.

Sa nakaraan pa ring tatlong buwan, sa kabuuang 4,903 minuto ng poll ads na lumabas sa mga telebisyon, 2,054 minuto rito ay kay Villar.

Mahigit kalahati rin o 6,676 minuto ng political ads sa mga radyo na napa­kinggan ng madla ang kay Villar sa kabuuang 10,576 minuto na inilabas ng lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo.

Bunga nito, lumampas na si Villar sa itinakda ng ba­tas na 120 minutong ‘air time’ para sa mga kandidato sa kabuuan ng campaign period.

Samantala, tiniyak naman ng Comelec na mananagot ang mga himpilan ng telebisyon at radyo sa sobrang pag-eere ng political advertisements ng mga kandidato.

Sinabi ni Comelec Law Department Head Atty. Ferdinand Rafanan na kung sakaling totoo ang mga inisyal na data ng Comelec at ng AGB Nielsen, maaa­ring maharap din ang mga tv network na sangkot sa election offense.

Ani Rafanan, may ka­rapatan rin ang Comelec na atasan ang tv network na itigil ang pag-eere ng political ads ng mga kandidato na lu­mampas na sa kanilang air time limits. (May ulat nina Doris Franche at Mer Layson)

ANG NIELSEN

ANI RAFANAN

AYON

COMELEC

COMELEC LAW DEPARTMENT HEAD ATTY

DORIS FRANCHE

EDDIE VILLANUEVA

SHY

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with