P8.8-milyong marijuana, sinira ng PDEA
MANILA, Philippines - Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may P8.82 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang marijuana eradication sa bayan ng Kapangan, Benguet.
Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Dionisio Santiago ni PCI Edgar Apalla, officer-in-charge ng PDEA-Cordillera, natagpuan nila ang mga plantasyon ng marijuana sa mga sitio ng Ampungot at Badi sa Barangay Sagubo.
Aniya, aabot sa kabuuang 40,000 na fully-grown marijuana at isang kilo ng buto nito ang binunot at sinunog ng mga otoridad sa nasabing operasyon.
Sinabi din ni Apalla na kaunting puno at buto lamang ng nasabing kontrabando ang dinala nila para magsilbing ebidensiya. Wala namang suspek na nadatnan ang mga otoridad sa lugar. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending