^

Bansa

Vice mayoralty bet ng LP nanggulo sa kampanya

-

MANILA, Philippines - Nagalit ang mga miyembro ng media na nagkokober sa kampanya ng Liberal Party (LP) dahil sa umano’y panggugulo ng kanilang vice mayoralty candidate sa Valenzuela City kamakalawa.

May 2,000 residente ng Bgy. Marulas, Valenzuela City ang dumagsa nitong Biyernes sa Doña Ata covered court dahil dito isinagawa ang ‘proclamation rally’ ni Shalani  Soledad, kasintahan ni LP presidential bet Benigno “Noynoy” Aquino III kung saan kumakandidato naman sa pagka-vice mayor si Eric Martinez.

Gayunman, mistulang si Martinez pa ang gumawa ng hakbang para guluhin ang dapat sana’y media interview kay Aquino nang sigawan at ipagtulakan ang mga reporter papalayo kay Noynoy. 

Kahit sa mismong rally site at nakita ang magaspang na ugali ni Martinez dahil mula sa stage ay pinabababa nitong pilit ang mga nagkokober na mediamen.

Sa kabila ng mistulang pagpigil sa media interview, mismong si Aquino ang nagpa-unlak na maka­panayam siya ng media na pare-parehong naghahabol sa deadline kaya nagpasya itong bumaba ng stage at magtungo sa isang opisina sa taas ng covered court.

Pero habang nagsasalita si Aquino at ilang tanong pa lamang ang naibabato ng media, umepal na naman si Martinez at nagsabing tapos na ang interview dahil may mga naghihintay na tao sa ibaba at mayroong programa.

“Hindi naman siya (Martinez) ang pinunta namin dito, aanhin naming siya eh wala naman kaming pakialam sa kandidatura niya. Ang pinunta namin para ikober si Noynoy at si Shalani kaya dapat hindi siya umeepal,” anang Rey Marfil ng Abante-Tonite at beterano nang magkober sa mga national elections sa bansa.

Ilang mediamen din, mapa-babae at lalaki ang natumba dahil sa panunulak ni Martinez, bagay na lalong ikinairita ng mga mamamahayag. (Malou Escudero)

ABANTE-TONITE

AQUINO

ATA

ERIC MARTINEZ

LIBERAL PARTY

MALOU ESCUDERO

NOYNOY

REY MARFIL

SHALANI

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with