^

Bansa

15-mil­yong Pinoy nakiisa sa Earth Hour

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tinatayang 15 mil­yong Pinoy ang nakiisa sa idinaos na Earth Hour sa buong mundo kagabi.

Mismong ang Simbahang Katoliko ang na­nguna sa pagdiriwang ng Earth Hour sa Pilipinas, sa pamamagitan nang pagdarasal ng banal na rosaryo habang isinasagawa ang Earth Hour mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Ang Earth Hour, na sinimulan noong 2007 at global initiative ng World Wildlife Fund (WWF), ay isang konkretong hakbang laban sa global warming.

Bago pa umano isinagawa ang Earth Hour, 1,041 lungsod at bayan na sa Pilipinas ang nagkumpirma sa WWF na makikiisa sa sabay-sabay na pagpapatay ng ilaw at mga de kuryenteng kasangkapan sa loob ng isang oras upang masagip ang mundo sa tuluyang pagkasira.

Noong nakaraang taon, naging matagumpay rin ang Earth Hour na nilahukan ng halos 10 milyong Pinoy.

ANG EARTH HOUR

EARTH

EARTH HOUR

HOUR

MISMONG

NOONG

PILIPINAS

PINOY

SIMBAHANG KATOLIKO

WORLD WILDLIFE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with