^

Bansa

1,451 Bar examinees pumasa

-

MANILA, Philippines - Umabot lamang sa 1,451 examinees ang nakapasa sa 2009 bar examination mula sa 5,903 na sumailalim sa eksaminasyon noong nakaraang taon.

Dahil dito kayat napagkasunduan ng special en banc session ng Supreme Court na ibaba sa 71% ang passing grade ng mga examinee mula sa dating 75% bunsod upang umabot sa 24.58 percent ang nakapasa mula sa 5, 903 examinees.

Napag-alaman din na marami sa mga examinee ang nadiskwalipika sa subject na taxation kung saan umabot lamang sa 5% ng kabuuang examinees ang nakapasa sa halip na 49% passing grade ay ibinaba ito sa 45%.

Mas mataas ito ng apat porsyento sa 20.58 passing percentage sa nakaraang 2008 Bar exam kung saan nasa 1,310 lamang ang nakapasa mula sa 6,364 examinees.

Maari namang i-check sa website ng SC na www.sc.judiciary.gov.ph <http://www.sc.judiciary.gov.ph> ang mga pangalan ng mga nakapasa at maari ding magtungo sa ground ng SC sa Padre Faura st. sa Maynila kung saan din nakapaskil ang kanilang mga pangalan. (Gemma Garcia)

DAHIL

GEMMA GARCIA

MAARI

MAYNILA

NAKAPASA

NAPAG

PADRE FAURA

SUPREME COURT

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with