^

Bansa

150 child warriors na-recruit ng NPA

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa 150 child warriors na edad 12-17 anyos ang na-recruit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa buong bansa sa unang semestre ng taon base sa nakalap na ulat ng Armed Forces of the Philippines.

Kasabay nito, nanawagan si Major Eugenio Julio Osias IV, Group Commander ng AFP-Civil Relations Service, sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak upang hindi ma-recruit ng mga bolerong rebelde na pinangangakuan na gagawing bayani tulad ng mga superhero at isinasabak sa giyera bilang frontliners ng NPA rebels laban sa tropa ng mga sundalo.

Aniya, isa itong lantarang pagsira sa kinabukasan ng mga bata na sa halip na nagsisipag-aral ay sinasanay sa paghawak ng baril at pagtatanim ng landmine na lubhang delikado.

Kabilang sa na-recruit ng NPA sa unang bahagi ng taong 2010 ang 15-anyos na batang lalaki mula sa Makilala, Cotabato,  tatlo sa Quezon, Bulacan at Compostela Valley na narekober ng tropang militar.

Ang nasabing 15-anyos ang ginamit ng mga rebelde sa landmine attack sa convoy ng Army’s 602nd Brigade sa Brgy. Old Balatukan, Makilala, North Cotabato noong Marso 15, 2010.

Dalawa sa mga child warriors ay nasawi sa en­counter matapos ga­wing frontliner habang ang 13-anyos na amasona na itinago sa pangalang Julia ay kabilang sa 13 rebelde na nadakip ng 25th Infantry Battalion (IB) sa Monkayo, Compostella Valley noong Marso 7 ng taong ito. (Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CIVIL RELATIONS SERVICE

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELLA VALLEY

GROUP COMMANDER

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MAJOR EUGENIO JULIO OSIAS

MAKILALA

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with