^

Bansa

Pamamahagi ng Luisita pinagdudahan

-

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pa­ngamba si Liberal Party se­na­torial candidate at Mun­ tinlupa City Rep. Ruffy Biazon sa pagiging masi­gasig ng kanilang katung­galing par­ tido na kaagad maipama­hagi ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya ng kanilang presidential candidate na si Noynoy Aquino.

Ayon kay Biazon, naka­kaduda ang panggigigil ng ibang partido na maipa­mahagi ang mahigit 6,000 ektaryang lupain partikular ang kilalang developer ng mga commercial at residential projects na tuma­takbo ring pangulo sa nala­lapit na halalan.

May hinala ang kon­gresista na interesado ang isang presidential candidate na kilala ring real estate developer sa Hacienda Luisita kaya pinaiinit ng kanyang mga tagapag­salita ang isyu sa lupain.

Nagtataka rin si Biazon kung bakit ang kinuku­wes­ tiyon ng kabilang par­tido ay ang hindi umano pag­sa­sailalim ng Hacienda Lui­sita sa land reform noong administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino gayung ang mas dapat katakutan ngayon ang talamak na illegal land conversion na kamakailan lang ay nadiskubre sa Iloilo kung saan sangkot ang isang presidential candidate.

Iginiit ni Biazon na habang pilit na binibigyan ng hustisya ang mga bene­pisyaro ng Hacienda Lui­sita, dapat kasuhan din ang mga sangkot sa illegal conversion ng mga lupaing agraryo dahil ito aniya ang tunay na nakakasira sa land reform. (Lordeth Bonilla)

BIAZON

CITY REP

HACIENDA LUI

HACIENDA LUISITA

LIBERAL PARTY

LORDETH BONILLA

NOYNOY AQUINO

PANGULONG CORY AQUINO

RUFFY BIAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with